Add parallel Print Page Options

Ang Tunay na Katuwiran

Kahuli-hulihan, mga kapatid ko, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kalabisan para sa akin ang muli kong isulat sa inyo ang dati ko nang naisulat, sa halip, ito'y upang kayo'y ingatan.

Mag-ingat kayo sa mga aso, sa mga gumagawa ng masasama, at sa mga sumusugat sa kanilang katawan. Sapagkat tayo ang mga tunay na tuli, na naglilingkod sa tulong ng Espiritu ng Diyos at ang ating pagmamalaki ay nakay Cristo Jesus, at hindi sa anumang ginagawa sa ating katawan. Bagaman maaari kong gawin iyon. Kung sa palagay ng iba may dahilan silang magmalaki, lalo na ako: tinuli ako (A) nang ikawalong araw, akong mula sa lahi ng Israel, mula sa lipi ni Benjamin, isang tunay na Hebreo, at tungkol sa kautusan, ako'y isang Fariseo. Kung ang pag-uusapan (B) ay sigasig, ako ay naging tagausig ng iglesya; at tungkol naman sa katuwirang ayon sa kautusan, ako ay walang kapintasan. Subalit ang mga bagay na maaari ko sanang pakinabangan ay itinuring kong kalugihan dahil kay Cristo. Sa katunayan, ang lahat ng bagay ay itinuring kong kalugihan dahil sa hindi matatawarang halaga ng pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kanya'y pinawalang-halaga ko ang lahat ng bagay, at itinuring kong basura, upang makamtan ko si Cristo, at ako'y matagpuan na nasa kanya. Wala akong sariling katuwiran batay sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang buhat sa Diyos na nakabatay sa pananampalataya. 10 Ang naisin ko'y makilala siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay at makibahagi sa kanyang mga pagdurusa, at matulad ako sa kanya maging sa kanyang kamatayan, 11 upang hangga't maaari ay makamtan ko ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan.

Pagpapatuloy sa Mithiin

12 Hindi sa ito'y nakamit ko na, o ako'y nakarating na sa hangganan; sa halip ay nagpapatuloy ako upang makamit ko ang bagay na ito, yamang ako ay nakamit na ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko itinuturing na iyon ay nakamit ko na; ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang mga bagay na nakaraan, at sinisikap kong abutin ang mga bagay na hinaharap. 14 Patuloy akong tumatakbo patungo sa hangganan para sa gantimpala ng makalangit[a] na pagtawag ng Diyos bunga ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 15 Kaya't tayong mga nasa hustong gulang ay dapat magkaroon ng gayunding pananaw. At kung hindi ganito ang inyong pananaw, ito man ay ipahahayag sa inyo ng Diyos. 16 Gayunman, magpatuloy tayong mamuhay ayon sa pamantayang naabot na natin.

17 Mga (C) kapatid, sama-sama ninyong tularan ang aking halimbawa, at bigyan ninyo ng pansin ang mga lumalakad nang ayon sa huwarang ibinigay namin sa inyo. 18 Sapagkat maraming namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo gaya ng madalas kong sabihin sa inyo noon, at ngayo'y muli kong sinasabi na may kasama pang luha. 19 Ang wakas nila ay kapahamakan; ang diyos nila ay ang sarili nilang tiyan; ang ipinagmamalaki nila ay mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at ang tanging iniisip nila ay ang mga bagay na makalupa. 20 Ngunit tayo'y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21 Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa kanya upang maipailalim niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay.

Footnotes

  1. Filipos 3:14 Sa Griyego, paitaas.

Sa katapustapusan, mga kapatid ko, (A)mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.

Magsipagingat kayo sa mga aso, (B)magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, (C)magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli:

Sapagka't tayo (D)ang pagtutuli, (E)na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:

Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:

Na tinuli ng ikawalong araw, (F)mula sa lahi ng Israel, (G)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (H)Fariseo;

Tungkol (I)sa pagsisikap, (J)ay manguusig sa iglesia; (K)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.

Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.

Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (L)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,

At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (M)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (N)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:

10 Upang makilala ko siya, at (O)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (P)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;

11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

12 Hindi sa ako'y (Q)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.

13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (R)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (S)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,

14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (T)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.

15 Kaya nga, kung ilan tayong (U)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:

16 (V)Lamang, ay magsilakad tayo (W)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.

17 Mga kapatid, (X)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.

18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (Y)kaaway ng krus ni Cristo:

19 (Z)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (AA)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (AB)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (AC)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.

20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (AD)ay nasa langit; mula doon ay (AE)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:

21 Na (AF)siyang magbabago (AG)ng katawan ng ating pagkamababa, (AH)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (AI)ayon sa paggawa na (AJ)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.