Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read the Bible
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study Tools
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explorer More
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Bible Gateway Blog
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Filemon  Ang Biblia (1978)

1 Si Pablo, na (A)bilanggo ni Cristo Jesus, at si (B)Timoteo na ating kapatid kay Filemon na aming minamahal (C)at kamanggagawa,

2 At kay Apia na ating kapatid na babae, at kay (D)Arquipo na kapuwa kawal namin, at sa (E)iglesia sa iyong bahay:

3 Sumainyo nawa ang (F)biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

4 (G)Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios, na ikaw ay binabanggit ko sa aking mga panalangin,

5 Sa pagkabalita ko ng iyong pagibig, (H)at ng pananampalataya mo sa Panginoong Jesus, at sa lahat ng mga banal;

6 Upang ang pakikipagkaisa ng iyong pananampalataya, ay maging mabisa (I)sa pagkaalam ng bawa't mabuting bagay na nasa iyo, sa kay Cristo.

7 (J)Sapagka't ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pagibig, sapagka't (K)ang mga puso ng mga banal ay (L)naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid.

8 Kaya, (M)bagama't kay Cristo ay mayroon akong buong pagkakatiwala upang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,

9 Gayon ma'y alangalang sa pagibig ay bagkus akong namamanhik, kung sa bagay akong si Pablo ay matanda na, at ngayon nama'y (N)bilanggo ni Cristo Jesus:

10 Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, (O)na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si (P)Onesimo,

11 Na nang unang panahon ay hindi mo pinakinabangan, datapuwa't ngayon ay may pakikinabangin ka at ako man:

12 Na siya'y aking pinabalik sa iyo sa kaniyang sariling katawan, sa makatuwid baga'y, ang aking sariling puso:

13 Na ibig ko sanang pigilin siya sa aking piling, upang sa iyong pangalan ay paglingkuran ako sa (Q)mga tanikala ng evangelio:

14 Datapuwa't kung wala kang pasiya ay wala akong magagawang anoman; upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pagkakailangan, kundi sa sariling kalooban.

15 Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man;

16 Na (R)hindi na alipin, kundi higit sa alipin, (S)isang kapatid na minamahal, lalong lalo na sa akin, nguni't gaano pa kaya sa iyo, na siya'y minamahal mo maging sa (T)laman at gayon din sa Panginoon.

17 (U)Kung ako nga ay inaari mong kasama, ay tanggapin mo siyang tila ako rin.

18 Nguni't kung siya'y nagkasala sa iyo ng anoman, o may utang sa iyong anoman, ay ibilang mo sa akin;

19 Akong si Pablo na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ay siyang magbabayad sa iyo: hindi sa sinasabi ko sa iyo na ikaw man ay utang mo pa sa akin.

20 Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: (V)panariwain mo ang aking puso kay Cristo.

21 Kita'y sinulatan sa pagkakatiwala sa iyong pagtalima, palibhasa'y aking nalalaman na gagawin mo ang higit pa kay sa aking sinasabi.

22 Datapuwa't bago ang lahat ay ipaghanda mo ako ng matutuluyan: sapagka't inaasahan kong (W)sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay ipagkakaloob ako sa inyo.

23 Binabati (X)ka ni (Y)Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo kay Cristo Jesus;

24 At gayon din ni (Z)Marcos, ni (AA)Aristarco, ni (AB)Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.

25 (AC)Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.

Cross references

  1. 1:1 : tal. 9; Ef. 3:1.
  2. 1:1 : Gawa 16:1.
  3. 1:1 : Fil. 2:25.
  4. 1:2 : Col. 4:17.
  5. 1:2 : Rom. 16:5.
  6. 1:3 : Rom. 11:7.
  7. 1:4 : Rom. 1:8, 9; 2 Tim. 1:3.
  8. 1:5 : Ef. 1:15.
  9. 1:6 : Fil. 1:6.
  10. 1:7 : 2 Cor. 7:4, 13.
  11. 1:7 : tal. 20.
  12. 1:7 : 2 Tim. 2:16.
  13. 1:8 : 1 Tes. 2:6.
  14. 1:9 : tal. 1; Ef. 3:1.
  15. 1:10 : 1 Cor. 4:15.
  16. 1:10 : Col. 4:9.
  17. 1:13 : Fil. 1:13.
  18. 1:16 : 1 Cor. 7:22; Ef. 6:5.
  19. 1:16 : 1 Tim. 6:2.
  20. 1:16 : Col. 3:22.
  21. 1:17 : 2 Cor. 8:23.
  22. 1:20 : tal. 7.
  23. 1:22 : 2 Cor. 1:11.
  24. 1:23 : tal. 23, 24; Col. 4:10, 12, 14.
  25. 1:23 : Col. 1:7.
  26. 1:24 : Gawa 12:12.
  27. 1:24 : Gawa 19:29.
  28. 1:24 : Col. 4:14.
  29. 1:25 : Gal. 6:18.
Next
Tito 3
Mga Hebreo 1
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences