Add parallel Print Page Options

36 Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo.

37 Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu't dalawa.

38 Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito.

39 Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito.

40 Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, (A)sa mga anak ni Hodavias, pitong pu't apat.

41 Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu't walo.

42 Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu't siyam.

43 (B)Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth.

Read full chapter