Ezekiel 8:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; (A)mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal (B)na nagbabaga.
3 At kaniyang (C)inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako (D)ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako (E)sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; (F)na kinaroroonan ng upuan (G)ng larawan ng panibugho, (H)na namumungkahi sa paninibugho.
4 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay (I)nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa (J)kapatagan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978