Add parallel Print Page Options

At aking gagawin sa iyo (A)ang hindi ko ginawa, at hindi ko na gagawin pa ang kaparis, dahil sa iyong lahat na kasuklamsuklam.

10 Kaya't (B)kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at[a] ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako.

11 Kaya't buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, walang pagsala, na (C)sapagka't iyong nilapastangan ang aking santuario ng lahat mong kasuklamsuklam na bagay, at ng lahat mong karumaldumal, kaya't akin namang babawasan ka; ni hindi magpapatawad ang aking mata, at ako nama'y hindi mahahabag.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ezekiel 5:10 tal 2, 12.