Add parallel Print Page Options

27 At sa kaarawan na siya'y pumasok sa santuario, sa lalong loob na looban upang mangasiwa sa santuario, siya'y maghahandog ng kaniyang handog dahil sa kasalanan, sabi ng Panginoong Dios.

Ang bahagi ng mga saserdote.

28 At sila'y mangagkakaroon ng mana; (A)ako'y kanilang mana; at hindi ninyo bibigyan sila ng pagaari sa Israel; ako'y kanilang pagaari.

29 Sila'y magsisikain (B)ng handog na harina, at ng handog dahil sa kasalanan, at ng handog dahil sa pagkakasala; at (C)bawa't bagay na itinalaga sa Israel ay magiging kanila.

Read full chapter