Add parallel Print Page Options

At dinala niya ako roon; at, narito, may isang lalake na ang anyo ay (A)parang anyo ng tanso, (B)na may pising lino sa kaniyang kamay, (C)at isang panukat na tambo; at siya'y natayo sa pintuang-bayan.

At sinabi ng lalake sa akin, Anak ng tao, tumingin ka ng iyong mga mata, at makinig ka ng iyong mga pakinig, at ilagak mo ang iyong puso sa lahat na aking ipakikita sa iyo; sapagka't sa haka na aking mga maipakikita sa iyo ay dinala ka rito: ipahayag mo ang lahat na iyong nakikita sa sangbahayan ni Israel.

At, narito; (D)isang kuta sa dakong labas ng bahay sa palibot, at sa kamay ng lalake ay isang panukat na tambo na may anim na siko ang haba, na tigisang siko at isang dangkal ang luwang ng bawa't isa: sa gayo'y kaniyang sinukat (E)ang luwang ng bahay, na isang tambo; at ang taas, isang tambo.

Read full chapter