Add parallel Print Page Options

16 At may makikipot na (A)dungawan sa mga silid ng bantay, at sa mga haligi ng mga yaon sa loob ng pintuang-daan sa palibot, at gayon din sa mga hubog; at ang mga dungawan ay nangasa palibot (B)sa dakong loob; at sa bawa't haligi ay may mga (C)puno ng palma.

Ang sukat ng looban sa labas.

17 Nang magkagayo'y dinala niya ako (D)sa loob ng looban sa labas; at, narito, may mga (E)silid at may isang lapag na ginawa sa palibot ng looban: tatlong pung silid ang nasa lapag.

18 At ang lapag ay nasa tabi ng mga pintuang-daan, ayon sa haba ng mga pintuang-daan, sa makatuwid baga'y ang lalong mababang lapag.

Read full chapter