Add parallel Print Page Options

46 At ang silid na nakaharap sa dakong hilagaan ay sa mga saserdote, (A)na mga namamahala sa dambana: (B)ang mga ito ay (C)mga anak ni Sadoc, (D)na sa mga anak ni Levi ay nagsilapit sa Panginoon upang magsipangasiwa sa kaniya.

Read full chapter

Ang mga kautusan tungkol sa mga saserdoteng Levita na anak ni Sadoc.

15 Nguni't (A)ang mga saserdoteng Levita na (B)mga anak na lalake ni Sadoc, na nagiingat ng katungkulan sa aking santuario nang ang mga anak ni Israel ay magsihiwalay sa akin, sila'y magsisilapit sa akin upang magsipangasiwa sa akin; at sila'y magsisitayo sa harap ko upang mangaghandog sa akin ng taba at ng dugo, sabi ng Panginoong Dios:

16 Sila'y magsisipasok sa aking santuario, at sila'y magsisilapit sa aking (C)dulang, upang magsipangasiwa sa akin, at iingatan nila ang kanilang katungkulan sa akin.

Read full chapter