Add parallel Print Page Options

Ang panaghoy kay Faraon.

32 At nangyari, nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing dalawang buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi:

Anak ng tao, panaghuyan mo si Faraong hari sa Egipto, at sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay kawangis ng isang (A)batang leon sa mga bansa; gayon man ikaw ay parang (B)malaking hayop sa mga dagat; at ikaw ay sumagupa sa iyong mga ilog, at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig, at dinumhan mo ang kanilang mga ilog.

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (C)Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo na kasama ng isang pulutong ng maraming tao; at iaahon ka nila sa aking lambat.

At iiwan (D)kita sa lupain, ihahagis kita sa luwal na parang, at (E)aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa.

At aking ilalagay ang iyong laman (F)sa ibabaw ng mga bundok, at pupunuin ko ang mga libis ng iyong kataasan.

Akin namang didiligin ng iyong dugo ang lupain na iyong nilalanguyan, hanggang sa mga bundok; at ang mga daan ng tubig ay mapupuno.

At pagka ikaw ay aking nautas, (G)aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.

Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios.

Akin namang papaghihirapin ang puso ng maraming bayan, pagka aking dadalhin ang iyong kagibaan sa gitna ng mga bansa, sa mga lupain na hindi mo nakilala.

10 Oo, aking papanggigilalasin ang maraming bayan sa iyo, at ang (H)kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo, pagka aking ikinumpas ang aking tabak sa harap nila; at (I)sila'y manginginig tuwituwina, bawa't tao dahil sa kaniyang sariling buhay sa kaarawan ng iyong pagkabuwal.

11 Sapagka't (J)ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo.

12 Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan; (K)kakilakilabot sa mga bansa silang lahat: at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto, at ang buong karamihan niyao'y malilipol.

13 Akin din namang lilipuling lahat ang mga hayop niyaon mula sa siping ng maraming tubig; at hindi na lalabukawin pa man ng paa ng tao, o ang kuko man ng mga hayop ay magsisilabukaw sa mga yaon.

14 Kung magkagayo'y aking palilinawin ang kanilang tubig, at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis, sabi ng Panginoong Dios.

15 Pagka aking gagawin ang lupain ng Egipto na sira at giba, na lupaing iniwan ng lahat na nangandoon, pagka aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon kung magkagayon (L)ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon.

16 Ito nga ang panaghoy na kanilang itataghoy; na itataghoy (M)ng mga anak na babae ng mga bansa; sa Egipto, at sa lahat na (N)kaniyang karamihan ay itataghoy nila, sabi ng Panginoong Dios.

Ang mga taga Egipto na kasama ng ibang mga bansa sa Sheol.

17 Nangyari rin nang ikalabing dalawang taon, nang ikalabing limang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi,

18 Anak ng tao, taghuyan mo ang karamihan ng Egipto, at ibaba mo sila, sa makatuwid baga'y siya, at ang mga anak na babae ng mga bantog na bansa, hanggang (O)sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng nagsibaba sa hukay.

19 (P)Sinong iyong dinadaig sa kagandahan? bumaba ka, at malagay kang kasama (Q)ng mga di tuli.

20 Sila'y mangabubuwal sa gitna nila na nangapatay ng tabak: siya'y nabigay sa tabak: ilabas mo siya at ang lahat niyang karamihan.

21 Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay (R)magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak.

22 Ang Assur ay nandoon at ang buo niyang pulutong; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya: silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak;

23 Na ang mga libingan ay (S)nangalalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, at ang kaniyang pulutong ay nasa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay, na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nakapangingilabot sa lupain ng buháy.

24 Nandoon ang (T)Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kaniyang libingan; silang lahat na nangapatay na nangabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na nakapagpangilabot sila sa lupain ng buháy, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

25 Inilagay nila ang kaniyang higaan sa gitna ng mga patay na kasama ng buong karamihan niya; ang kaniyang mga libingan ay nangasa palibot niya; silang lahat na di tuli na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't nakapagpangilabot sila sa lupain ng buháy, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay: siya'y nalagay sa gitna niyaong nangapatay.

26 Nandoon ang (U)Mesech, ang Tubal, at ang buo niyang karamihan; ang mga libingan niya ay nangasa palibot niya; silang lahat na hindi tuli, na nangapatay sa pamamagitan ng tabak; sapagka't sila'y nakapagpangilabot sa lupain ng buháy.

27 At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng (V)makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buháy.

28 Nguni't ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di tuli, at ikaw ay mahihiga na kasama nila na nangapatay sa pamamagitan ng tabak.

29 Nandoon ang (W)Edom, ang kaniyang mga hari at lahat niyang prinsipe, na sa kanilang kapangyarihan ay nangahiga na kasama ng nangapatay ng tabak: sila'y mangahihiga na kasama ng mga di tuli, at niyaong nagsibaba sa hukay.

30 Nandoon ang mga prinsipe sa (X)hilagaan, silang lahat, at lahat ng mga (Y)taga Sidon, na nagsibabang kasama ng nangapatay; sa kakilabutan na kanilang ipinangilabot ng kanilang kapangyarihan sila'y nangapahiya; at sila'y nangahihigang hindi tuli na kasama ng nangapapatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

31 Makikita sila ni Faraon, at (Z)maaaliw sa lahat niyang karamihan, sa makatuwid baga'y ni Faraon at ng buo niyang hukbo, na nangapatay ng tabak, sabi ng Panginoong Dios.

32 Sapagka't inilagay ko ang kaniyang kakilabutan sa lupain ng buhay; at siya'y ihihiga sa gitna ng mga di tuli, na kasama ng nangapatay ng tabak, si Faraon at ang buong karamihan niya, sabi ng Panginoong Dios.

'Ezekiel 32 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Inihambing sa Buwaya ang Faraon

32 Nang unang araw ng ikalabindalawang buwan ng ikalabindalawang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

“Anak ng tao, managhoy ka dahil kay Faraong hari ng Ehipto, at sabihin mo sa kanya:

“Itinuturing mo ang iyong sarili bilang isang leon sa gitna ng mga bansa,
    gayunman, ikaw ay parang dragon sa mga dagat;
at ikaw ay lumitaw sa iyong mga ilog,
    at nilabo mo ng iyong mga paa ang tubig,
    at dinumihan mo ang kanilang mga ilog.
Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
    Aking ilaladlad ang aking lambat sa iyo
    na kasama ng isang pulutong ng maraming tao;
    at iaahon ka nila sa aking lambat.
At ihahagis kita sa lupa,
    ihahagis kita sa malawak na parang,
at aking padadapuin sa iyo ang lahat ng mga ibon sa himpapawid,
    at aking bubusugin sa iyo ang mga hayop ng buong lupa.
At aking ilalagay ang iyong laman sa ibabaw ng mga bundok,
    at pupunuin ko ang mga libis ng iyong mga kataasan.
Aking didiligin ang lupain ng iyong dumadaloy na dugo
    maging sa mga bundok;
    at ang mga daan ng tubig ay mapupuno dahil sa iyo.
Kapag(A) ikaw ay aking inalis, aking tatakpan ang langit,
    at padidilimin ko ang kanilang mga bituin;
aking tatakpan ng ulap ang araw,
    at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag.
Lahat na maningning na liwanag sa langit
    ay aking padidilimin sa iyo,
    at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain,
sabi ng Panginoong Diyos.

“Aking guguluhin ang puso ng maraming bayan, kapag dinala kitang bihag sa gitna ng mga bansa, patungo sa mga lupain na hindi mo nalalaman.

10 Dahil sa akin, ang maraming bayan ay mamamangha sa iyo, at ang kanilang mga hari ay lubhang matatakot sa iyo, kapag ikinumpas ko ang aking tabak sa harapan nila. Sila'y manginginig bawat sandali, bawat tao dahil sa kanyang sariling buhay, sa araw ng iyong pagbagsak.

11 Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang tabak ng hari ng Babilonia ay darating sa iyo.

12 Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking pababagsakin ang iyong karamihan, silang lahat na kakilakilabot sa mga bansa.

“Kanilang pawawalan ng halaga ang kapalaluan ng Ehipto,
    at ang buong karamihan niyon ay malilipol.
13 Aking lilipulin ang lahat ng mga hayop niyon
    mula sa tabi ng maraming tubig;
at hindi sila guguluhin pa ng paa ng tao,
    ni guguluhin man sila ng mga kuko ng mga hayop.
14 Kung magkagayo'y aking palilinawin ang kanilang tubig,
    at aking paaagusin ang kanilang mga ilog na parang langis, sabi ng Panginoong Diyos.
15 Kapag aking ginawang giba ang lupain ng Ehipto,
    at kapag ang lupain ay nawalan ng kanyang laman,
kapag aking sasaktan silang lahat na nagsisitahan doon,
    kung magkagayon ay kanila ngang malalaman na ako ang Panginoon.

16 Ito ang panaghoy na kanilang itataghoy; itataghoy ito ng mga anak na babae ng mga bansa; sa Ehipto, at sa lahat ng kanyang karamihan ay itataghoy nila ito, sabi ng Panginoong Diyos.”

Ang Daigdig ng mga Patay

17 Nang ikalabinlimang araw ng unang buwan ng ikalabindalawang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,

18 “Anak ng tao, iyakan mo ang karamihan ng Ehipto, at ibaba mo ito, siya at ang mga anak na babae ng mga makapangyarihang bansa, hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na kasama ng mga bumaba sa hukay.

19 ‘Sinong dinadaig mo sa kagandahan?

Bumaba ka, at malagay kang kasama ng mga di-tuli.’

20 Sila'y mabubuwal sa gitna nila na napatay ng tabak, at kasama niya ang lahat niyang karamihan.

21 Ang mga makapangyarihang pinuno ay magsasalita tungkol sa kanila, na kasama ng mga tumulong sa kanila, mula sa gitna ng Sheol. ‘Sila'y nagsibaba, sila'y nakatigil, samakatuwid ay ang mga hindi tuli na napatay ng tabak.’

22 “Ang Asiria ay naroon at ang buo niyang pulutong; ang kanyang mga libingan ay nasa palibot niya, silang lahat na napatay, na nabuwal sa pamamagitan ng tabak;

23 na ang mga libingan ay nakalagay sa pinakamalalim na bahagi ng hukay, at ang kanyang pulutong ay nasa palibot ng kanyang libingan; silang lahat na napatay, na nabuwal sa pamamagitan ng tabak, na naghasik ng takot sa lupain ng buháy.

24 “Naroon ang Elam at ang buo niyang karamihan sa palibot ng kanyang libingan; silang lahat na napatay na nabuwal sa pamamagitan ng tabak, na nagsibabang hindi mga tuli sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, na naghasik ng takot sa kanila sa lupain ng buháy, at dinala ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

25 Kanilang iginawa ang Elam[a] ng higaan sa gitna ng mga napatay na kasama ang lahat niyang karamihan, ang kanilang mga libingan ay nasa palibot niya, silang lahat na di-tuli na napatay sa pamamagitan ng tabak. Ang pagkatakot sa kanila ay ikinalat sa lupain ng buháy, at dinala nila ang kanilang kahihiyan na kasama ng mga bumaba sa hukay. Sila'y inilagay na kasama ng mga napatay.

26 “Naroon ang Meshec at Tubal, at ang lahat nilang karamihan. Ang mga libingan nila ay nasa palibot niya, silang lahat na hindi tuli, na napatay sa pamamagitan ng tabak; sapagkat sila'y naghasik ng takot sa lupain ng buháy.

27 At sila'y hindi humigang kasama ng makapangyarihang lalaki nang una na nabuwal na nagsibaba sa Sheol na dala ang kanilang mga sandatang pandigma, na ang kanilang mga tabak ay inilagay sa ilalim ng kanilang mga ulo, ngunit ang parusa para sa kanilang kasamaan ay nasa kanilang mga buto; sapagkat ang pagkatakot sa mga makapangyarihang lalaki ay nasa lupain ng buháy.

28 Ngunit ikaw ay mabubuwal sa gitna ng mga di-tuli, kasama nila na napatay sa pamamagitan ng tabak.

29 “Naroon ang Edom, ang kanyang mga hari at lahat niyang mga pinuno, na sa kanilang kapangyarihan ay nahiga na kasama ng napatay ng tabak. Sila'y humigang kasama ng mga di-tuli, at niyong nagsibaba sa hukay.

30 “Naroon ang mga pinuno sa hilaga, silang lahat, at lahat ng mga taga-Sidon, sa kabila ng lahat ng takot na ibinunga ng kanilang kapangyarihan ay nagsibabang may kahihiyan na kasama ng patay. Sila'y nahigang hindi tuli na kasama ng napatay sa pamamagitan ng tabak, at taglay ang kanilang kahihiyan na kasama ng nagsibaba sa hukay.

31 “Kapag nakita sila ni Faraon, aaliwin niya ang sarili dahil sa lahat niyang karamihan—si Faraon at ng buo niyang hukbo na napatay ng tabak, sabi ng Panginoong Diyos.

32 Bagama't naghasik ako ng takot sa kanya sa lupain ng buháy; at siya'y ihihiga sa gitna ng mga di-tuli, na kasama ng napatay ng tabak, si Faraon at ang karamihan niya, sabi ng Panginoong Diyos.”

Footnotes

  1. Ezekiel 32:25 Sa Hebreo ay ito .