Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't (A)ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ang tabak ng hari sa Babilonia ay darating sa iyo.

12 Sa pamamagitan ng mga tabak ng makapangyarihan ay aking ipabubuwal ang iyong karamihan; (B)kakilakilabot sa mga bansa silang lahat: at kanilang wawalaing halaga ang kapalaluan ng Egipto, at ang buong karamihan niyao'y malilipol.

Read full chapter

20 At ang Panginoo'y totoong nagalit kay Aaron na siya sana'y papatayin: at akin din namang idinalangin si Aaron nang panahon ding yaon.

21 At (A)aking kinuha ang inyong kasalanan, ang guyang inyong ginawa, at aking sinunog sa apoy, at aking niyapakan, na dinurog na mainam, hanggang sa naging durog na parang alabok; at aking inihagis ang alabok niyaon sa batis na umaagos mula sa bundok.

Ang Israel ay naging mapanghimagsik at si Moises ay namagitan.

22 At sa (B)Tabera, at sa (C)Massa, at sa (D)Kibroth-hataa-vah, ay inyong minungkahi ang Panginoon sa galit.

23 At (E)nang suguin kayo ng Panginoon mula sa Cades-barnea, na sabihin, Sumampa kayo at ariin ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyo; kayo nga'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios, at (F)hindi ninyo pinanampalatayanan siya, ni dininig ang kaniyang tinig.

24 Kayo'y naging mapanghimagsik laban sa Panginoon, mula nang araw na kayo'y aking makilala.

25 Sa gayo'y nagpatirapa ako sa harap ng Panginoon na apat na pung araw at apat na pung gabi na ako'y nagpatirapa, sapagka't sinabi ng Panginoon, na kaniyang lilipulin kayo.

26 (G)At aking ipinanalangin sa Panginoon, at sinabi, Oh Panginoong Dios, huwag mong lipulin ang iyong bayan at ang iyong mana, na iyong tinubos ng iyong kadakilaan na iyong inilabas sa Egipto ng makapangyarihang kamay.

27 Alalahanin mo ang iyong mga lingkod, si Abraham, si Isaac, at si Jacob; huwag mong masdan ang pagmamatigas ng bayang ito, ni ang kasamaan nila, ni ang kasalanan nila:

28 Baka sabihin ng mga taga lupaing pinaglabasan mo sa amin: (H)Sapagka't hindi sila naipasok ng Panginoon sa lupain na ipinangako sa kanila, at sa kapootan niya sa kanila, ay inilabas sila upang patayin sa ilang.

29 (I)Gayon man sila'y iyong bayan at iyong mana, na iyong inilabas ng iyong dakilang kapangyarihan at ng iyong unat na bisig.

Read full chapter

Ang aking mga luha ay (A)naging aking pagkain araw at gabi,
(B)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?

Read full chapter