Add parallel Print Page Options

(A)Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: (B)sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.

At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, (C)ay nanangis sila: (D)at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.

Read full chapter