Add parallel Print Page Options

At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at (A)itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon.

At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; (B)at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.

Si Aaron ay gumawa ng binubong Guya.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, bumaba ka, sapagka't ang iyong bayan, na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto ay (C)nangagsisama:

Read full chapter