Exodo 30:10
Ang Biblia (1978)
10 At si Aaron ay tutubos ng sala (A)sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo (B)ng handog dahil sa kasalanan, sa buong panahon ng inyong mga lahi: kabanal-banalan nga sa Panginoon.
Read full chapter
Levitico 23:27
Ang Biblia (1978)
27 (A)Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Read full chapter
Mga Bilang 29:7
Ang Biblia (1978)
7 (A)At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong (B)pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978