Add parallel Print Page Options

13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (A)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.

15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.

Read full chapter