Font Size
Exodo 27:20-21
Ang Biblia (1978)
Exodo 27:20-21
Ang Biblia (1978)
Ang damit ni Aaron.
20 At iyong (A)iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan.
21 Sa tabernakulo ng kapisanan sa (B)labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni (C)Aaron at ng kaniyang mga anak (D)mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.
Read full chapter
Levitico 24:3
Ang Biblia (1978)
Levitico 24:3
Ang Biblia (1978)
3 Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978