Add parallel Print Page Options

17 (A)At inilabas ni Moises ang bayan sa kampamento upang salubungin ang Dios; at sila'y tumayo sa paanan ng bundok.

18 At ang buong bundok ng Sinai ay umuusok, sapagka't ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw niyaon na (B)nasa apoy: (C)at ang usok niyaon ay napaiilanglang na parang usok ng isang hurno, (D)at ang buong bundok ay umuugang mainam.

19 At nang lumalakas ng lumalakas ang tunog ng pakakak ay nagsasalita si Moises, (E)at sinasagot siya ng Dios sa pamamagitan ng tinig.

Read full chapter