Add parallel Print Page Options

At ang bayan ay nauhaw at (A)inupasala ng bayan si Moises, at sinabi, Bakit mo kami isinampa rito mula sa Egipto, upang patayin mo kami sa uhaw, at ang aming mga anak, at ang aming kawan?

At si Moises ay dumaing sa Panginoon, na nagsasabi, Anong aking gagawin sa bayang ito? kulang na lamang (B)batuhin nila ako.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga matanda sa Israel; at ang iyong tungkod na iyong (C)ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at yumaon ka.

Read full chapter