Add parallel Print Page Options

At sa kinaumagahan, ay inyo ngang makikita (A)ang kaluwalhatian ng Panginoon; sapagka't kaniyang naririnig ang inyong mga pagupasala laban sa Panginoon: (B)at ano kami, na inyo kaming inuupasala?

At sinabi ni Moises, Ito'y mangyayari, pagbibigay ng Panginoon sa inyo sa kinahapunan ng karne na makakain, at sa kinaumagahan ng pagkain, na makabubusog; sapagka't naririnig ng Panginoon ang inyong mga pagupasala na inyong iniuupasala laban sa kaniya: at ano kami? ang inyong mga pagupasala ay hindi laban sa amin, (C)kundi laban sa Panginoon.

At (D)sinabi ni Moises kay Aaron, Sabihin mo sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, (E)Lumapit kayo sa harap ng Panginoon; sapagka't kaniyang narinig ang inyong mga pagupasala.

Read full chapter