Add parallel Print Page Options

22 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dakong langit; (A)at nagsalimuutan ang dilim sa buong lupain ng Egipto, na tatlong araw;

23 Sila'y hindi nagkikita, at walang tumindig na sinoman sa kinaroroonan sa loob ng tatlong araw; (B)kundi lahat ng mga anak ni Israel ay nagilaw sa kanikaniyang tahanan.

24 At tinawag ni Faraon si Moises, (C)at sinabi, Yumaon kayo, maglingkod kayo sa Panginoon; inyo lamang iwan ang inyong mga kawan at ang inyong mga bakahan; (D)isama rin naman ninyo ang inyong mga bata.

Read full chapter