Add parallel Print Page Options

Ang Panginoon ay lumayo sa kanila.

33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, (A)Sa iyong binhi ay aking ibibigay.

At (B)aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking (C)palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:

(D)Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: (E)sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.

At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, (F)ay nanangis sila: (G)at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.

At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.

Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, (H)na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.

At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon (I)at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.

At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa (J)ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.

10 At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.

11 At (K)nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang (L)si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.

12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, (M)iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, (N)ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay (O)iyong bayan.

14 At kaniyang sinabi, (P)Ako'y sasa iyo, at ikaw ay (Q)aking bibigyan ng kapahingahan.

15 At sinabi niya sa kaniya, (R)Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

16 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? (S)hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, (T)upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: (U)sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

18 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

19 At kaniyang sinabi, (V)Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y (W)magkakaloob ng (X)biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.

20 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: (Y)sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

21 At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:

22 At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:

23 At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha (Z)ay hindi makikita.

'Exodo 33 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Lumayo ang Panginoon sa Israel

33 Sinabi(A) ng Panginoon kay Moises, “Humayo ka, umakyat ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong inilabas mula sa lupain ng Ehipto, patungo sa lupain na aking ipinangako kina Abraham, Isaac, at Jacob, na aking sinasabi, ‘Sa iyong mga anak at inapo ay aking ibibigay iyon!’

Magsusugo ako ng isang anghel sa unahan mo, at aking palalayasin ang mga Cananeo, mga Amoreo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo.

Pumunta ka sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, ngunit hindi ako pupuntang kasama ninyo, baka ikaw ay lipulin ko sa daan, sapagkat ikaw ay isang bayang matigas ang ulo.”

Nang marinig ng taong-bayan ang masasamang balitang ito ay tumangis sila, at walang taong nagsuot ng kanyang mga palamuti.

Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Kayo'y isang bayang matigas ang ulo; kung ako'y aakyat na kasama ninyo nang sandali, ay malilipol ko kayo. Kaya't ngayo'y alisin ninyo ang inyong mga palamuti upang aking malaman kung ano ang aking gagawin sa inyo.’”

Kaya't hinubad ng mga anak ni Israel ang kanilang mga palamuti, magmula sa bundok ng Horeb.

Kinaugalian na ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampo, na malayo sa kampo; kanyang tinawag iyon na toldang tipanan. At bawat maghanap sa Panginoon ay lumalabas patungo sa toldang tipanan, na nasa labas ng kampo.

Kapag si Moises ay lumalabas patungo sa toldang tipanan, ang buong bayan ay tumatayo, bawat lalaki sa pintuan ng kanyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok siya sa tolda.

At kapag si Moises ay pumapasok sa tolda, bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng tolda, at ang Panginoon ay nakikipag-usap kay Moises.

10 Kapag nakikita ng buong bayan na ang haliging ulap ay tumitigil sa pintuan ng tolda, ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, bawat isa sa pintuan ng kanyang tolda.

11 Sa gayon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises nang mukhaan, gaya ng pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang kaibigan. Kapag siya'y bumabalik uli sa kampo, ang kanyang lingkod na si Josue, anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa tolda.

Si Moises ay Nakipag-usap sa Panginoon

12 Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin, ‘Dalhin mo ang bayang ito,’ ngunit hindi mo ipinakilala sa akin kung sino ang susuguin mo na kasama ko. Gayunma'y iyong sinabi, ‘Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakatagpo ng biyaya sa aking paningin.’

13 Ngayon, kung ako'y nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, at ako'y makatagpo ng biyaya sa iyong paningin. Alalahanin mo rin na ang bansang ito ay iyong bayan.”

14 Kanyang sinabi, “Ako'y sasaiyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan.”

15 At sinabi niya sa kanya, “Kung ikaw ay hindi sasaakin, huwag mo na kaming paahunin mula rito.

16 Sapagkat paano ngayon malalaman na ako'y nakatagpo ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? Hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, kaya't kami ay naiiba, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan sa balat ng lupa?”

17 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Gagawin ko ang bagay na ito na iyong sinabi, sapagkat ikaw ay nakatagpo ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.”

18 Sinabi ni Moises, “Hinihiling ko sa iyo na ipakita mo sa akin ang iyong kaluwalhatian.”

19 At(B) kanyang sinabi, “Aking pararaanin ang lahat kong kabutihan sa harapan mo, at aking ipahahayag ang aking pangalang ‘Ang Panginoon’[a] sa harapan mo. Ako'y magkakaloob ng biyaya sa kaninumang aking ibig pagkalooban, at ako'y magpapakita ng habag sa kaninumang aking ibig kahabagan.

20 Ngunit, kanyang sinabi, “Hindi mo maaaring makita ang aking mukha; sapagkat hindi ako maaaring makita ng tao at siya'y mabubuhay.”

21 At sinabi ng Panginoon, “Masdan mo, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng bato;

22 at samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumaraan, aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan.

23 Pagkatapos, aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod; subalit ang aking mukha ay hindi makikita.”

Footnotes

  1. Exodo 33:19 o Yahweh .