Add parallel Print Page Options

Ang dambana ng mga handog na susunugin.

27 At gagawin mong kahoy ng akasia (A)ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko.

At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at (B)iyong babalutin ng tanso.

At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga suuban: lahat ng mga kasangkapa'y gagawin mong tanso.

At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon.

At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana.

Read full chapter

64 Nang araw ding yaon ay pinapaging banal ng hari ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon: sapagka't doon niya inihandog ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana (A)na nasa harap ng Panginoon ay totoong maliit na hindi magkasya roon ang handog na susunugin, at ang handog na harina, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

Read full chapter

14 (A)At ang dambana na tanso na nasa harap ng Panginoon ay kaniyang dinala mula sa harapan ng bahay, mula (B)sa pagitan ng kaniyang dambana at ng bahay ng Panginoon, at inilagay sa dakong hilagaan ng kaniyang dambana.

Read full chapter

Bukod dito'y itinalaga ni Salomon ang gitna ng looban na nasa harap ng bahay ng Panginoon; sapagka't doon niya inihandog ang mga handog na susunugin, at ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan, sapagka't ang tansong dambana na ginawa ni Salomon ay hindi makakaya sa handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa taba.

Read full chapter

23 Pagka ikaw ay nakatapos ng paglilinis, maghahandog ka ng isang guyang toro na walang kapintasan, at isang lalaking tupa na mula sa kawan na walang kapintasan.

24 At iyong ilalapit ang mga yaon sa harap ng Panginoon, at (A)hahagisan ng asin ang mga yaon ng mga saserdote, at kanilang ihahandog na pinakahandog na susunugin sa Panginoon.

25 Pitong araw na maghahanda ka sa bawa't araw ng (B)isang kambing na pinakahandog dahil sa kasalanan: maghahanda rin sila ng guyang toro, at isang lalaking tupang mula sa kawan, na walang kapintasan.

26 Pitong araw na kanilang tutubusin ang dambana at lilinisin; gayon nila itatalaga.

Read full chapter