Add parallel Print Page Options

Batas tungkol sa Ninakaw

22 “Kapag ang isang tao'y nagnakaw ng baka o tupa at ito'y pinatay o ipinagbili, papalitan niya ito: lima ang ipapalit sa isang baka, at apat naman sa isang tupa. 2-4 Kailangan siyang magbayad. Kung walang ibabayad, siya ang ipagbibili at ang pinagbilhan ang ibabayad sa kanyang ninakaw. Kung ang ninakaw naman ay makita sa kanya at buháy pa, doble lamang ang ibabayad niya.

“Kapag ang magnanakaw ay pumasok nang gabi at siya ay napatay ng may-ari ng bahay, walang pananagutan ang nakapatay. Kung ang pagkapatay ay naganap pagkasikat ng araw, mananagot ang nakapatay.

“Kapag ang hayop na alaga ay nakawala at nakapanira sa bukid ng iba, papalitan ng may-ari ang anumang nasira ng kanyang hayop. Ang ibabayad niya ay ang pinakamainam na ani ng kanyang bukirin.

“Kapag may nagsiga, kumalat ang apoy at nakasunog ng mga inani o ng pananim ng iba, ito ay babayaran ng nagsiga.

“Kapag ang salapi o anumang ari-arian ng isang tao'y ipinagkatiwala sa kanyang kapwa at ang mga ito'y nawala sa bahay, pagbabayarin nang doble ang kumuha kapag ito'y mahuli. Kung hindi naman mahuli ang nagnakaw, ang pinagkatiwalaan ay panunumpain sa harapan ng Diyos[a] para patunayang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng inihabilin sa kanya.

“Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos.[b] Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.

10 “Kung mamatay, mapinsala o inagaw ang isang asno, baka, tupa o anumang hayop na paalaga ngunit walang nakakita sa pangyayari, 11 ang nag-aalaga ay manunumpa sa harapan ni Yahweh upang patunayan na wala siyang kinalaman sa pangyayari. Ito'y dapat paniwalaan ng may-ari at wala nang pananagutan ang tagapag-alaga. 12 Ngunit kung ninakaw ang hayop, magbabayad ang tagapag-alaga. 13 Kung ang hayop naman ay pinatay ng isang hayop na mabangis, ipapakita ng tagapag-alaga ang bahaging natira at wala siyang pananagutan.

14 “Kapag ang isang tao'y nanghiram ng isang hayop at ito'y namatay o napinsala nang hindi nakikita ng may-ari, babayaran ito ng nanghiram. 15 Ngunit kung naroon ang may-ari, hindi ito babayaran, lalo na kung inupahan; ang upa ang magiging kabayaran.

Tuntunin tungkol sa Pananampalataya at Kabutihang-asal

16 “Kapag(A) ang isang dalagang hindi pa nakatakdang ikasal ay inakit at sinipingan ng isang lalaki, siya ay pakakasalan ng lalaking iyon at bibigyan ng kaukulang dote. 17 Kung hindi pumayag ang ama na ipakasal ang babae, ibibigay na lang sa ama ang halagang katumbas ng dote.

18 “Ang(B) mga mangkukulam ay dapat patayin.

19 “Sinumang(C) makipagtalik sa hayop ay dapat patayin.

20 “Sinumang(D) maghandog sa diyus-diyosan ay dapat patayin sapagkat kay Yahweh lamang dapat maghandog.

21 “Huwag(E) ninyong aapihin ang mga dayuhan; alalahanin ninyong naging dayuhan din kayo sa Egipto. 22 Huwag din ninyong aapihin ang mga balo at ang mga ulila. 23 Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, tiyak na papakinggan ko sila. 24 Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayo'y mabibiyuda rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.

25 “Kapag(F) nangutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga nagpapatubo. 26 Kapag(G) may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw 27 sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siya'y dumaing sa akin, papakinggan ko siya sapagkat ako'y mahabagin.

28 “Huwag(H) ninyong lalapastanganin ang Diyos ni mumurahin ang mga pinuno ng inyong bayan.

29 “Huwag ninyong kalilimutang maghandog ng inaning butil, alak na mula sa katas ng ubas at langis sa takdang panahon.

“Ihahandog ninyo sa akin ang inyong mga panganay na lalaki. 30 Ihahandog din ninyo sa akin ang panganay ng inyong mga baka at tupa. Huwag ihihiwalay sa ina ang panganay nitong lalaki hanggang sa ikapitong araw mula sa kapanganakan; sa ikawalong araw, ihahandog siya sa akin.

31 “Kayo'y(I) aking bayang pinili. Kaya huwag kayong kakain ng karne ng hayop na pinatay ng mabangis na hayop; ipakain ninyo iyon sa mga aso.

Footnotes

  1. Exodo 22:8 ng Diyos: o kaya'y ng mga hukom .
  2. Exodo 22:9 ng Diyos: o kaya'y ng mga hukom .
'Exodo 22 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga pagsasauli tungkol sa naging kasiraan.

22 Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at (A)ng apat na tupa ang isang tupa.

(B)Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay (C)hindi aariing mamamatay-tao ang pumatay.

Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamatay-tao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay (D)ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.

Kung ang ninakaw ay masumpungang buháy sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay (E)magbabayad siya ng ibayo.

Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.

Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy.

Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (F)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.

Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (G)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.

Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.

10 Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:

11 (H)Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.

12 Datapuwa't (I)kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.

13 Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.

14 At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.

15 Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.

Mga utos tungkol sa sabbath, sa bayan at sa relehion.

16 At kung (J)dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.

17 Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, (K)ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.

18 (L)Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.

19 (M)Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.

20 (N)Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.

21 (O)At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

22 (P)Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.

23 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at (Q)sila'y (R)dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;

24 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at (S)ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.

25 (T)Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.

26 (U)Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;

27 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y (V)mapagbiyaya.

28 (W)Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.

29 Huwag kang magmamakupad ng (X)paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.

30 Gayon din ang (Y)gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: (Z)pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

31 At kayo'y (AA)magpapakabanal na tao sa akin: (AB)na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga aso.