Exodo 19:5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Kung(A) (B) susundin ninyo ako at magiging tapat sa ating kasunduan, kayo ang magiging bayang hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo'y aking itatangi.
Read full chapter
Deuteronomio 7:6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Kayo(A) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
Read full chapter
Deuteronomio 14:2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Kayo(A) ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.
Read full chapter
Deuteronomio 26:18
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Ipinahayag(A) naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayang hinirang, tulad ng kanyang pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin.
Read full chapter
Tito 2:14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 na naghandog(A) ng kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging kanyang sariling bayan na masigasig sa paggawa ng mabuti.
Read full chapter
Tito 2:14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Siya (A) ang naghandog ng kanyang sarili para sa atin upang tayo'y palayain sa lahat ng kasamaan, at linisin upang maging sambayanang kanyang pag-aari at masigasig sa paggawa ng mabuti.
Read full chapter
1 Pedro 2:9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
9 Ngunit(A) kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Read full chapter
1 Pedro 2:9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 Ngunit (A) kayo'y isang lahing pinili, mga paring naglilingkod sa hari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos. Hinirang kayo upang inyong ipahayag ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos na tumawag sa inyo mula sa kadiliman at nagdala sa inyo sa kanyang kahanga-hangang liwanag.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.