Add parallel Print Page Options

Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, (A)at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.

(B)Kaya't ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, (C)ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka't ang buong lupa ay akin;

At kayo'y magiging isang (D)kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang (E)banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

Read full chapter

22 Aking pinawi na (A)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (B)kita.

23 Magsiawit, Oh (C)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (D)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.

Read full chapter