Exodo 14:26-27
Ang Biblia (1978)
26 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, (A)at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
Read full chapter
Exodo 14:26-27
Ang Biblia, 2001
Ang Hukbo ng mga Ehipcio ay Nalunod
26 Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa dagat upang ang tubig ay tumabon sa mga Ehipcio, sa kanilang mga karwahe, at sa kanilang mga mangangabayo.”
27 Kaya't iniunat ni Moises ang kanyang kamay sa ibabaw ng dagat, at ang dagat ay bumalik sa kanyang dating lalim nang mag-uumaga na. Habang ang mga Ehipcio ay tumatakas, inihagis ng Panginoon ang mga Ehipcio sa gitna ng dagat.
Read full chapter
Isaias 11:15
Ang Biblia (1978)
15 At lubos na (A)sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay (B)sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa.
Read full chapter
Isaias 11:15
Ang Biblia, 2001
15 At(A) lubos na wawasakin ng Panginoon
ang dila ng dagat ng Ehipto;
at iwawasiwas ang kanyang kamay sa Ilog
ng kanyang nakakapasong hangin,
at gagawing pitong daluyan,
at gumawa ng daan upang makaraang naglalakad;
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.