Add parallel Print Page Options

21 At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, (A)at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa (B)at ang tubig ay nahawi.

Read full chapter

Ang bayan ay tumawid sa Jordan.

14 At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng (A)kaban ng tipan;

15 At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng (B)Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong (C)panahon ng pagaani,)

16 Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng (D)Sarethan: at yaong nagsisibaba sa (E)dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: (F)at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.

17 At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan (G)ang buong bansa.

Read full chapter

15 (A)Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
(B)Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.

Read full chapter