Add parallel Print Page Options

21 (A)At ang Panginoon ay nangunguna sa kanila sa araw, sa isang haliging ulap, upang patnubayan sila sa daan; at sa gabi, ay sa isang haliging apoy, upang tanglawan sila; upang sila'y makapaglakad sa araw at sa gabi.

Read full chapter

43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at (A)ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.

Read full chapter

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid (A)na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: (B)sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.

Read full chapter

Ang ulap sa tabernakulo.

15 (A)At nang araw na ang tabernakulo ay itayo, ay tinakpan ng ulap ang tabernakulo, sa makatuwid baga'y ang tabernakulo ng patotoo: (B)at sa paglubog ng araw ay nasa ibabaw ng tabernakulo na parang anyong apoy hanggang sa kinaumagahan.

Read full chapter

10 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na (A)napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.

11 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

Read full chapter

13 Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, (A)Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,

Read full chapter

At ang mga saserdote ay hindi mangakapasok sa bahay ng Panginoon, sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.

Read full chapter

At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at (A)ang bahay ay napuno ng usok.

Read full chapter

At aking uugain (A)ang lahat na bansa; (B)at darating ang mga bagay na nais ng lahat na bansa; at aking pupunuin ang bahay na ito ng (C)kaluwalhatian, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter

Ang huling kaluwalhatian (A)ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at sa dakong ito ay magbibigay ako ng (B)kapayapaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter

At (A)napuno ng usok ang santuario (B)mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; (C)at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.

Read full chapter