Add parallel Print Page Options

Pinahirapan ang mga Israelita sa Ehipto

Ito(A) ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto kasama si Jacob; bawat isa ay kasama ang kanya-kanyang sambahayan:

sina Ruben, Simeon, Levi, Juda,

Isacar, Zebulon, Benjamin,

Dan, Neftali, Gad, at Aser.

Lahat ng taong nagmula sa balakang ni Jacob ay pitumpung katao,[a] at si Jose ay nasa Ehipto na.

Namatay si Jose at ang lahat ng kanyang mga kapatid at ang buong salinlahing iyon.

Ang(B) mga anak ni Israel ay lumago at nadagdagang mabuti; sila'y dumami at naging napakalakas kaya't ang lupain ay napuno nila.

At(C) may bumangong isang bagong hari sa Ehipto na hindi kilala si Jose.

Sinabi niya sa kanyang bayan, “Tingnan ninyo, ang sambayanan ng mga anak ni Israel ay mas marami at higit na malakas kaysa atin.

10 Halikayo,(D) pakitunguhan natin sila nang may katusuhan, baka sila'y dumami at mangyari na kapag nagkaroon ng digmaan ay umanib sila sa ating mga kaaway, lumaban sa atin, at umalis sa lupain.”

11 Kaya't naglagay sila ng mga tagapangasiwa upang pahirapan sila sa kanilang mga sapilitang paggawa. Kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga lunsod imbakan, ang Pitom at Rameses.

12 Subalit habang kanilang pinahihirapan sila, lalo silang dumarami at lalong lumalaganap. At kinasuklaman[b] nila ang mga anak ni Israel.

13 Malupit na pinapaglingkod ng mga Ehipcio ang mga anak ni Israel;

14 at kanilang pinapait ang kanilang buhay sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa luwad at sa tisa, at sa lahat ng uri ng gawain sa bukid; at sa lahat ng kanilang gawain ay malupit silang pinapaglingkod.

Read full chapter

Footnotes

  1. Exodo 1:5 Sa kaugaliang Hebreo ay mga lalaki lamang ang binibilang.
  2. Exodo 1:12 o kinatakutan .

Ganito(A) ang sinabi ng Diyos, na ang kanyang binhi ay maninirahan sa lupain ng iba, at sila'y magiging alipin nila at aapihin nang apatnaraang taon.

Read full chapter