Add parallel Print Page Options

Ito ang mga pangalan ng mga Israelita, si Jacob at ang kanyang mga inapo na dumating sa Ehipto: si Ruben na anak na panganay ni Jacob.

Ang mga anak ni Ruben: sina Hanoc, Fallu, Hesron, at Carmi.

10 Ang mga anak ni Simeon: sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar, at si Shaul na anak ng isang babaing taga-Canaan.

11 Ang mga anak ni Levi: sina Gershon, Kohat, at si Merari.

12 Ang mga anak ni Juda: sina Er, Onan, Shela, Perez, at si Zera; ngunit sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Perez ay sina Hesron at Hamul.

13 Ang mga anak ni Isacar: sina Tola, Pua, Job, at si Simron.

14 Ang mga anak ni Zebulon: sina Sered, Elon, at si Jalel

15 (ito ang mga anak ni Lea, na kanyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, kabilang dito ang kanyang anak na babaing si Dina. Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay tatlumpu't tatlo).

16 Ang mga anak ni Gad: sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at si Areli.

17 Ang mga anak ni Aser: sina Imna, Isva, Isui, Beriah, at Sera na kanilang kapatid na babae; at ang mga anak ni Beriah: sina Eber at Malkiel.

18 (ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kanyang anak na babae, at ang mga ito ay kanyang ipinanganak kay Jacob, labing-anim na katao).

19 Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob: sina Jose at Benjamin.

20 At(A) kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Ehipto sina Manases at Efraim, na ipinanganak sa kanya ni Asenat, na anak ni Potifera na pari sa On.

21 At ang mga anak ni Benjamin: sina Bela, Beker, Asbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Muppim, Hupim, at si Ard

22 (ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: sa kabuuan ay labing-apat na katao).

23 Ang mga anak ni Dan: si Husim.

24 Ang mga anak ni Neftali: sina Jahzeel, Guni, Jeser, at si Shilem

25 (ito ang mga anak ni Bilha, na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob: sa kabuuan ay pitong katao).

26 Lahat ng taong sumama kay Jacob sa Ehipto, na kanyang sariling mga anak, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, sa kabuuan ay animnapu't anim na katao.

27 Ang(B) mga anak ni Jose na ipinanganak sa kanya sa Ehipto ay dalawa; ang lahat ng tao sa sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay pitumpu.

Read full chapter