Add parallel Print Page Options

Ang kadakilaan ni Mardocheo.

10 At ang haring Assuero ay nagatang ng buwis sa lupain, at sa mga (A)pulo ng dagat.

At lahat ng mga gawa ng kaniyang kapangyarihan at ng kaniyang kakayahan, at ang lubos na kasaysayan ng kadakilaan ni Mardocheo, (B)na ipinagtaas sa kaniya ng hari, hindi ba nangasusulat sa (C)aklat ng mga alaala sa mga hari sa Media at Persia?

Sapagka't si Mardocheo na Judio ay (D)pangalawa ng haring Assuero, at dakila sa gitna ng mga Judio, at kinalulugdan ng karamihan ng kaniyang mga kapatid: na humahanap ng ikabubuti ng kaniyang bayan, at nagsasalita ng kapayapaan sa kaniyang buong lahi.

'Ester 10 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Kadakilaan ni Mordecai

10 Si Haring Ahasuerus ay nagpataw ng buwis sa lupain at sa mga baybayin ng dagat.

At lahat ng mga gawa ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, at ang buong kasaysayan ng mataas na karangalan ni Mordecai na ibinigay sa kanya ng hari, hindi ba nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan ng mga Hari ng Media at Persia?

Sapagkat si Mordecai na Judio ay pangalawa kay Haring Ahasuerus, at siya ay makapangyarihan sa gitna ng mga Judio at bantog sa karamihan ng kanyang mga kamag-anak, sapagkat inuna niya ang kapakanan ng kanyang bayan, at namagitan para sa ikabubuti ng lahat niyang mga kababayan.