Add parallel Print Page Options

Mga Anak at Mga Magulang

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon dahil ito ay matuwid.

Igalang ninyo ang inyong ama at ina. Ito ang unang utos na may pangako:

Gawin ninyo ito upang maging mabuti para sa inyo at kayo ay mamuhay nang matagal sa lupa.

Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak sa halip ay alagaan ninyo sila sa pagsasanay at sa turo ng Panginoon.

Mga Alipin at Mga Panginoon

Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong panginoon ayon sa laman at sundin ninyo sila nang may pagkatakot at panginginig at sa katapatan ng inyong mga puso tulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.

Sumunod kayo hindi upang magbigay lugod sa kanila tuwing sila ay nakatingin sa inyo, kundi bilang mga alipinni Cristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos mula sa inyong kaluluwa. Sumunod kayo nang may mabuting kalooban na gumagawa ng paglilingkod sa Panginoon at hindi sa tao. Nalalaman ninyo na ang anumang mabuting nagawa ng bawat isa, gayundin ang tatanggapin niya mula sa Panginoon, maging siya ay alipin o malaya.

Mga panginoon, gawin ninyo ang gayunding mga bagay sa kanila. Tigilan ninyo ang pagbabanta dahil nalalaman ninyo na ang sarili ninyong Panginoon ay nasa langit at siya ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Ang Baluting Ibinibigay ng Diyos

10 Sa katapusan mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kaniyang makapangyarihang lakas.

11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan. 13 Dahil dito, kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa masamang araw at pagkagawa ninyo ng lahat ng mga bagay ay manatili kayong nakatayo. 14 Tumayo nga kayo na nabibigkisan ang inyong mga balakang ng katotohanan at isuot ninyo ang baluting pandibdib ng katuwiran. 15 Sa inyong mga paa ay isuot ang kahandaan ng ebanghelyo ng kapayapaan. 16 Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng Espiritu na siyang salita ng Diyos. 18 Sa lahat ninyong pananalangin at pagdaing ay manalangin kayong lagi sa pamamagitan ng Espiritu. Sa bagay na ito ay magpuyat kayo na may buong pagtitiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal.

19 Ipanalangin ninyo ako, na bigyan ako ng pananalita, upang magkaroon ako ng tapang sa pagbukas ko ng aking bibig, upang maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Dahil sa ebanghelyo, ako ay isang kinatawan na nakatanikala upang sa pamamagitan nito, makapagsalita akong may katapangan gaya ng dapat kong pagsasalita.

Panghuli ng Pagbati

21 Ipahahayag sa inyo ni Tiquico ang lahat ng mga bagay patungkol sa akin upang malaman ninyo ang mga bagay patungkol sa akin at ang mga ginagawa ko. Siya ay isang minamahal na kapatid at matapat na tagapaglingkod sa Panginoon.

22 Isinugo ko siya sa inyo para sa bagay na ito upang malaman ninyo ang mga bagay patungkol sa amin at mapalakas niya ang inyong loob.

23 Mga kapatid, sumainyo ang kapayapaan at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos Ama at Panginoong Jesucristo. 24 Biyaya ang sumakanilang lahat na umiibig ng dalisay sa ating Panginoong Jesucristo. Siya nawa!

Tungkol sa mga Anak at mga Magulang

Kayong mga (A) anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sang-ayon sa Panginoon, sapagkat ito ay nararapat. “Igalang (B) mo ang iyong ama at ina”—ito ang unang utos na may pangako, “upang lumigaya ka at humaba ang iyong buhay sa ibabaw ng lupa.” Kayong (C) mga ama, huwag ninyong itulak sa galit ang inyong mga anak, sa halip ay palakihin ninyo sila sa disiplina at pangaral ng Panginoon.

Mga Alipin at mga Panginoon

Kayong mga (D) alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon dito sa lupa nang may buong paggalang na taglay ang katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo. Sundin ninyo sila hindi lamang kapag nakatingin sila sa inyo bilang pakitang-tao lang, kundi bilang mga alipin ni Cristo. Buong puso ninyong gawin ang kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang may mabuting hangarin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao, sapagkat alam naman ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mabuti, alipin man siya o malaya. Kayong (E) mga panginoon, gayundin ang gawin ninyo sa inyong mga alipin. Huwag na kayong magbabanta, yamang nalalaman ninyo na sila at kayo ay may iisang Panginoon sa langit, at pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga tao.

Ang Pakikidigma Laban sa Masama

10 Sa kahuli-hulihan, maging matibay kayo sa tulong ng Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang katatagan. 11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12 Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan. 13 Kaya't isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos, upang kayo'y makatagal sa pakikipaglaban pagdating ng araw ng kasamaan, at kung magawa na ninyo ang lahat ay makapanindigan kayong matatag. 14 Kaya't (F) manindigan kayo; gawin ninyong sinturon sa inyong mga baywang ang katotohanan, habang suot sa dibdib bilang pananggalang ang katuwiran. 15 (G) Isuot ninyo sa inyong mga paa ang kahandaan upang dalhin ang ebanghelyo ng kapayapaan. 16 Bukod sa mga ito, gamitin ninyo ang pananampalataya bilang kalasag, na sa pamamagitan nito ay mapapatay ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 Gamitin ninyo ang (H) helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang salita ng Diyos. 18 Palagi kayong manalangin ng lahat ng uri ng panalangin at paghiling sa pamamagitan ng Espiritu, at sa bagay na ito'y maging mapagbantay kayo at patuloy na magsumamo para sa lahat ng mga banal. 19 Ipanalangin din ninyo na sa pagbuka ng aking bibig ay pagkalooban ako ng sasabihin, upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Dahil sa ebanghelyong ito, ako'y isang nakagapos na sugo. Ipanalangin nga ninyo na makapagpahayag ako nang may katapangan gaya ng nararapat kong gawin.

Pangwakas na Pagbati

21 At (I) (J) upang malaman din ninyo ang aking kalagayan at ang tungkol sa aking gawain, ang lahat ng ito'y sasabihin sa inyo ni Tiquico, na aking minamahal na kapatid at tapat na naglilingkod sa Panginoon. 22 Sa layuning ito ay isinusugo ko siya sa inyo, upang malaman ninyo ang kalagayan namin, at upang mapalakas niya ang inyong mga puso.

23 Pagkalooban nawa ng kapayapaan ang mga kapatid, at ng pag-ibig na may pananampalatayang mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 24 Ipagkaloob nawa ang biyaya sa lahat ng mga umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Mga anak, (A)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.

Igalang mo ang iyong ama (B)at ina (na siyang unang utos na may pangako),

Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

At, (C)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (D)inyong turuan sila ayon sa saway at (E)aral ng Panginoon.

Mga alipin, (F)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (G)na may takot at panginginig, sa (H)katapatan ng inyong puso, na (I)gaya ng kay Cristo;

Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (J)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;

(K)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:

Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (L)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (M)maging alipin o laya.

At kayong (N)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (O)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.

10 Sa katapustapusa'y (P)magpakalakas kayo sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

11 Mangagbihis kayo ng (Q)buong kagayakan (R)ng Dios, upang kayo'y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo.

12 Sapagka't (S)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (T)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (U)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

13 Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo'y mangakatagal (V)sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

14 (W)Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na (X)may sakbat na baluti ng katuwiran,

15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at (Y)ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

18 (Z)Na magsipanalangin kayo (AA)sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at (AB)daing na patungkol sa lahat ng mga banal,

19 At sa akin, (AC)upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig, upang ipakilalang may katapangan (AD)ang hiwaga ng evangelio,

20 Na dahil dito (AE)ako'y isang sugong (AF)natatanikalaan; upang sa ganito ako'y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain.

21 Datapuwa't (AG)upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin, at ang kalagayan ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon, ay siyang magpapakilala sa inyo (AH)ng lahat ng mga bagay:

22 Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito, upang makilala ninyo ang aming kalagayan, at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso.

23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pagibig na may pananampalataya, mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.

24 Ang biyaya nawa'y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira. Siya nawa.