Efeso 6:12
Ang Biblia (1978)
12 Sapagka't (A)ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa (B)mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga (C)namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.
Read full chapter
Efeso 6:12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan.
Read full chapter
Colosas 2:10
Ang Biblia (1978)
10 At sa kaniya (A)kayo'y napuspus (B)na siyang pangulo ng lahat na (C)pamunuan at kapangyarihan:
Read full chapter
Colosas 2:10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 At kayo'y ginawang buung-buo dahil sa pakikipag-isa ninyo na siyang ulo ng lahat ng pamunuan at pamamahala.
Read full chapter
Colosas 2:15
Ang Biblia (1978)
15 (A)Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila (B)sa bagay na ito.
Read full chapter
Colosas 2:15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 At matapos niyang tanggalan ng kapangyarihan ang mga pamunuan at mga pamamahala, sila'y inilantad niya sa madla upang ipakita ang kanyang pagwawagi laban sa kanila sa pamamagitan ng krus.
Read full chapter
1 Pedro 3:22
Ang Biblia (1978)
22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (A)ipinasakop (B)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.
Read full chapter
1 Pedro 3:22
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 Siya'y umakyat sa langit at ngayo'y nasa kanan ng Diyos. Ang mga anghel, mga kapamahalaan at mga kapangyarihan ay nagpapasakop sa kanya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.