Add parallel Print Page Options

34 Di ba ito'y natatago sa akin,
Na natatatakan sa aking mga kayamanan?
35 Ang panghihiganti ay (A)akin, at gayon din ang gantingpala,
Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa:
Sapagka't (B)ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit,
At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.
36 (C)Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At (D)magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod;
Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala,
At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.

Read full chapter