Add parallel Print Page Options

15 Ay ilalagay mo ngang hari sa iyo, (A)yaong pipiliin ng Panginoon mong Dios: (B)na isa sa iyong mga kapatid ang ilalagay mong hari sa iyo: hindi mo mailalagay sa iyo ang isang taga ibang bayan, na hindi mo kapatid.

16 Huwag lamang siyang magpaparami ng (C)mga kabayo, ni (D)pababalikin niya ang bayan sa Egipto, upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: (E)sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, (F)Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon.

17 Ni huwag siyang magpaparami ng mga asawa, (G)upang huwag maligaw ang kaniyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.

Read full chapter