Add parallel Print Page Options

38 (A)Si Josue na anak ni Nun, (B)na nakatayo sa harap mo, ay siyang papasok doon: (C)palakasin mo ang kaniyang loob; sapagka't kaniyang ipamamana sa Israel.

39 Bukod dito'y (D)ang inyong mga bata, na inyong sinasabing magiging bihag, at ang inyong mga anak (E)na sa araw na ito ay hindi nakakaalam ng mabuti o ng masama, ay sila ang papasok doon, at sa kanila'y aking ibibigay, at kanilang aariin.

40 (F)Nguni't tungkol sa inyo, ay bumalik kayo, at maglakbay kayo sa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

Read full chapter