Add parallel Print Page Options

(A)Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi,
Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
At padatnin mo sa kaniyang bayan:
Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay;
At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi,
(B)Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong (C)banal,
(D)Na siyang iyong sinubok sa Massa,
Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;

Read full chapter