Deuteronomio 30:17
Ang Biblia (1978)
17 Nguni't kung ang (A)iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi maliligaw ka at sasamba ka sa ibang mga Dios, at maglilingkod ka sa kanila;
Read full chapter
Josue 22:16
Ang Biblia (1978)
16 Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, (A)upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
Read full chapter
Josue 22:18
Ang Biblia (1978)
18 Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon (A)ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
Read full chapter
2 Cronica 7:19
Ang Biblia (1978)
Pangako at babala ng Panginoon.
19 Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay, at iiwan ninyo ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos na aking inilagay sa harap ninyo, at magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:
Read full chapter
2 Cronica 15:2
Ang Biblia (1978)
2 At siya'y lumabas na sinalubong si Asa, at sinabi niya sa kaniya, Dinggin ninyo ako, Asa, at buong Juda at Benjamin: ang Panginoon ay sumasa inyo samantalang kayo'y sumasa kaniya: (A)at kung inyong hanapin siya, siya'y masusumpungan ninyo; nguni't (B)kung pabayaan ninyo siya, kaniyang pababayaan kayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978