Add parallel Print Page Options

At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, (A)Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, (B)na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:

Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.

Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.

Read full chapter