Add parallel Print Page Options

(A)Ang kamay ng mga saksi ay siyang unang papatay sa kaniya at pagkatapos ang kamay ng buong bayan. Ganito mo (B)aalisin ang kasamaan sa gitna mo.

Read full chapter

Kung ang inyong kapatid na lalake, na anak ng iyong ina, o ang iyong anak na lalake o babae, o (A)ang asawa ng iyong sinapupunan, o ang iyong kaibigan, (B)na parang iyong sariling kaluluwa, ay (C)humimok sa iyo ng lihim, na magsabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo o ng iyong mga magulang;

(D)Sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot ninyo na malapit sa iyo, o malayo sa iyo, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa;

Ay huwag mong papayagan siya ni didinggin siya; (E)ni huwag mong kahahabagan siya ng iyong mata, ni patatawarin, ni ikukubli:

Kundi (F)papatayin mo nga; ang (G)iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan.

10 At iyong babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay, sapagka't kaniyang pinagsikapang ihiwalay ka sa Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.

11 (H)At maririnig ng buong Israel, at matatakot, at hindi na gagawa ng anomang kasamaan pa na gaya nito sa gitna mo.

12 (I)Kung iyong maririnig saysayin ang tungkol sa isa sa iyong mga bayan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang tumahan ka roon, na sasabihin.

13 Ilang (J)hamak na tao ay nagsialis sa gitna mo, at iniligaw ang mga nananahan sa kanilang bayan, na sinasabi, Tayo'y yumaon at maglingkod sa ibang mga dios, na hindi ninyo nangakilala;

14 Ay iyo ngang sisiyasatin at uusisain, at itatanong na mainam; at, narito, kung magkatotoo at ang bagay ay tunay, na nagawa sa gitna mo ang gayong karumaldumal;

Read full chapter