Add parallel Print Page Options

22 At kayo'y lumapit sa akin, bawa't isa sa inyo, at nagsabi, Tayo'y magsugo ng mga lalake sa unahan natin, upang kanilang kilalanin ang lupain para sa atin, at magbigay alam sa atin ng daang ating marapat sampahan, at ng mga bayang ating daratnin.

23 At ang bagay na yaon ay inakala kong magaling: at (A)ako'y kumuha ng labing dalawang lalake sa inyo, na isang lalake sa bawa't lipi.

24 At (B)sila'y pumihit at sumampa sa bundok, at dumating hanggang sa libis ng Escol, at kanilang tiniktikan.

25 At sila'y nagbitbit ng bunga ng lupain sa kanilang mga kamay, at kanilang ipinanaog sa atin, at sila'y nagdala ng kasagutan at nagsabi, (C)Mabuting lupain ang ibinibigay sa atin ng Panginoon nating Dios.

Hindi nanampalataya ang kapisanan.

26 Gayon ma'y hindi kayo umakyat, kundi (D)nanghimagsik kayo laban sa utos ng Panginoon ninyong Dios.

27 (E)At kayo'y dumaing sa inyong mga tolda, at inyong sinabi, (F)Sapagka't kinapootan tayo ng Panginoon, ay inilabas tayo sa lupain ng Egipto, upang tayo'y ibigay sa kamay ng mga Amorrheo, upang tayo'y lipulin.

28 Saan tayo sasampa? pinapanglupaypay ng ating mga kapatid ang ating puso, na sinasabi, (G)Ang mga tao ay malalaki at matataas kay sa atin; ang mga bayan ay malalaki at nakukutaan ng hanggang sa himpapawid; at bukod dito'y aming nakita roon ang (H)mga anak ng mga Anaceo.

Read full chapter