Add parallel Print Page Options

12 At tungkol sa iba pang mga halimaw, ang kanilang kapangyarihan ay inalis, ngunit ang kanilang mga buhay ay pinahaba pa ng isang kapanahunan at isang panahon.

13 Patuloy(A) akong nakakita sa pangitain sa gabi, at narito,

ang isang gaya ng Anak ng tao na dumarating kasama ng mga ulap.
At siya'y lumapit sa Matanda sa mga Araw,
    at iniharap sa kanya.
14 Binigyan(B) siya ng kapangyarihan,
    kaluwalhatian, at kaharian,
upang ang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika
    ay maglingkod sa kanya.
Ang kanyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan
    na hindi lilipas,
at ang kanyang kaharian
    ay hindi mawawasak.

Read full chapter