Add parallel Print Page Options

30 Pagkatapos(A) ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa langit, at tatangis ang lahat ng mga lipi sa lupa, at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Read full chapter

64 Sinabi(A) ni Jesus sa kanya, “Ikaw ang nagsabi, ngunit sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay inyong makikita ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Kapangyarihan, at dumarating na nasa mga ulap ng langit.”

Read full chapter

26 Pagkatapos,(A) makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Read full chapter

62 Sinabi(A) ni Jesus, “Ako nga; at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga alapaap ng langit.”

Read full chapter

27 Pagkatapos(A) ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa isang ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Read full chapter

Tingnan ninyo,(A) siya'y dumarating na nasa mga ulap;
    at makikita siya ng bawat mata,
at ng mga umulos sa kanya;
    at ang lahat ng mga lipi sa lupa ay tatangis dahil sa kanya.

Gayon nga. Amen.

Read full chapter

13 at(A) sa gitna ng mga ilawan ay may isang katulad ng isang Anak ng Tao, na may suot na damit na hanggang sa paa, at may gintong bigkis sa kanyang dibdib.

Read full chapter

Ang Paggapas sa Lupa

14 Pagkatapos(A) ay nakita ko roon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang isang katulad ng isang Anak ng Tao na sa kanyang ulo'y may isang gintong korona, at sa kanyang kamay ay may isang matalas na karit.

Read full chapter