Add parallel Print Page Options

12 At tungkol sa nalabi sa mga hayop, ang kanilang kapangyarihan ay naalis: gayon ma'y ang kanilang mga buhay ay humaba sa isang kapanahunan at isang panahon.

13 Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang (A)gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa (B)matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya.

14 (C)At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang (D)lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: (E)ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.

Read full chapter