Daniel 4:23
Ang Biblia (1978)
23 At yamang nakita ng hari ang isang bantay at isang banal na bumababa mula sa langit, at nagsasabi, Ibuwal ninyo ang punong kahoy, at inyong lipulin; gayon ma'y itira ninyo ang tuod ng mga ugat niyaon sa lupa na magkatali ng bakal at tanso, sa murang damo sa parang, at bayaang mabasa siya ng hamog ng langit, at makasalo siya ng mga hayop sa parang, hanggang sa mangyari sa kaniya na makapito;
Read full chapter
Daniel 4:25
Ang Biblia (1978)
25 Na ikaw ay (A)mahihiwalay sa mga tao, at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang, at ikaw ay (B)pakakanin ng damo na gaya ng mga baka, at mababasa ka ng hamog ng langit, at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at nagbibigay niyaon sa kanino mang ibigin niya.
Read full chapter
Daniel 4:32
Ang Biblia (1978)
32 At ikaw ay palalayasin (A)sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.
Read full chapter
Daniel 7:25
Ang Biblia (1978)
25 At siya'y magbabadya ng mga salita laban (A)sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at (B)kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay (C)hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon.
Read full chapter
Daniel 11:13
Ang Biblia (1978)
13 At ang hari sa hilagaan ay babalik, at maglalabas ng isang karamihan na lalong malaki kay sa una; at siya'y magpapatuloy hanggang sa wakas ng mga panahon, ng mga taon, na may malaking hukbo, at maraming kayamanan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978