Add parallel Print Page Options

At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios; at sila'y binigyan ng pitong (A)pakakak.

At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na (B)isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa (C)mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw (D)ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.

At ang usok ng kamangyan, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng anghel, sa harapan ng Dios.

Read full chapter