Add parallel Print Page Options

12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (A)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (B)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;

13 At ang mga bituin sa langit ay (C)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.

14 At ang langit ay nahawi na gaya (D)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (E)bundok at (F)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.

Read full chapter