Add parallel Print Page Options

(A)Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at (B)ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.

Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga (C)mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay (D)sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na (E)siyang ikalawang kamatayan.

At dumating ang (F)isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo (G)ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.

Read full chapter