Add parallel Print Page Options

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (A)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (B)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At (C)sa anghel ng iglesia sa (D)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (E)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

Read full chapter