Add parallel Print Page Options

Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; (A)at siya'y lubos na susunugin sa apoy; (B)sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.

At (C)ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay (D)mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, (E)pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,

10 At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, (F)Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.

Read full chapter